Kuha ni Karen de Guzman, ABS-CBN News
Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Moonwalk, Parañaque City nitong Sabado ng gabi.
Agad nakaresponde ang mga bumbero kaya mabilis na nakontrol ang apoy na umabot sa unang alarma.
Pasado alas-9 ng gabi sumiklab ang sunog at naapula naman ito ng mga awtoridad matapos ang isang oras. Hindi nadamay ang mga katabing bahay.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang nasa P280,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
Walang namang naiulat na nasugatan sa insidente at inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog.
Sumiklab ang naturang sunog ilang oras lang matapos matupok din ng apoy ang isang residential area sa Intramuros sa Maynila nitong Sabado ng hapon.
Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nasabing sunog na umabot ng ika-4 na alarma.
—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News
BALIKAN:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.