PatrolPH

Bangkay ng sanggol nakitang palutang-lutang sa ilog sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2022 01:12 AM | Updated as of Aug 06 2022 08:09 AM

Isang bangkay ng sanggol ang nakitang palutang-lutang sa ilog sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte Huwebes ng gabi.
 
Ayon sa hepe ng Bacarra Police na si Police Major Arnel Tabaog, ang bangkay ay nakita ng ilang mangingisda na lumulutang sa ilog sa Barangay 4.

Tinatayang isang linggo nang patay ang sanggol na may mga sugat sa katawan at nakakabit pa ang umbilical chord. 

Nasa 7 hanggang 8 buwan gulang umano ang sanggol. 

Ayon kay Tabaog, dinala nila ang sanggol sa punerarya, binendisyonan sa simbahan, at binigyan ng disenteng libing sa public cemetery sa nasabing bayan. 

Patuloy ang imbestigasyon kung sino ang mga magulang o nang-iwan sa patay na sanggol sa ilog.—Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.