SINGAPORE -- Inilabas ng Singapore Ministry of Manpower o MOM nitong Huwebes, ika-5 ng Agosto, 2021 ang bagong patakaran sa medical exam kada anim na buwan para sa migrant domestic workers o MDW kasama na rito ang mga Pilipinong domestic worker.
Ang mga sumusunod na tests ang kabilang sa umiiral na polisiya para sa medical exam kada anim na buwan ng MDWs sa Singapore:
Pregnancy and VDRL (venereal disease research laboratory test for syphilis) -- every 6 months
HIV or human immunodeficiency virus -- every 2 years
TB or Tuberculosis - once, upon 2 years of stay in Singapore
Kasalukuyang requirements sa medical exam ng MDWs sa Singapore
At sa bagong patakaran nadagdag pa ang ibang medical tests, pati BMI o body mass index ng domestic helper ay irerecord na rin para ma-check kung bumababa ng husto ang timbang ng MDW. Kasama na rin ang physical exam para makita ang anumang senyales ng pang-aabuso.
Dagdag na tests sa medical exam para sa MDWs sa Singapore simula August 29, 2021
Epektibo ang dagdag medical tests simula ika-29 ng Agosto, 2021 at kailangang tiyakin ng bawat employer na dadaan sa medical screening ang kanilang mga domestic helper ng naayon sa polisiya. Layon nitong matukoy ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga domestic helper kung meron mang matuklasan sa medical exam. Hindi papayagan ang employers na samahan ang MDW habang isinasagawa ang medical exam para malayang makapagsalita ang domestic helper kung kailangan niya ng tulong.
Ayon pa sa MOM, dapat sertipikado ng Singapore-registered doctors ang test results at lahat ng gastusing medikal, sagot ng employer. Kailangan ding isumite ng mga clinic ang lahat ng test results sa MOM.
tfc news, Singapore, migrant domestic workers, medical exam, physical exam, physical abuse, Ministry of Manpower