Lahat ng nawalang seafarer sa Beirut blast nahanap na: DFA

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 02:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nahanap na ang lahat ng 11 seafarer na nawala sa nangyaring pagsabog sa Beirut, kabisera ng bansang Lebanon. 

Batay sa huling impormasyon sa Department of Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA, personal na binisita ni charge d’affaires Ajeet Panemaglor ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga seafarer, na nagtamo ng minor injuries. 

Unang iniulat noong gabi ng Miyerkoles na nahanap ang 10 sa 11 seafarer na nawala sa kasagsagan ng pagsabog. 

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng pamunuan ng pinagtatrabahuhang shipping company ang mga ito. 

Naglabas pa ng retrato ang DFA ng mga Pinoy bilang “proof of life.” 

Karamihan sa mga nasugatan ay mga babae at household service worker, ayon kay Foreign Undersecretary Dodo Dulay. 

Isa naman sa mga nasugatan ay kritikal ang kalagayan. 

Sinisikap naman ng ahensiya na mapauwi ang labi ng dalawang Pinoy na namatay sa pagsabog. 

Tiniyak din ng pamahalaan ang tulong sa mga kababayang biktima ng insidente. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.