Higit P800-K halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 05:53 AM

MAYNILA - Higit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Barangay 8, Caloocan City nitong Miyerkoles.

Sa inisyal na impormasyon ng drug enforcement unit ng Northern Police District, nagkaroon ng transaction ang poseur buyer at suspek sa gilid ng basketball court sa Julian Felipe Street.

Dito nasabat ang 130 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P884,000. 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.