Misa para sa mga obispong kinasuhan ng sedisyon, ginanap sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 11:01 PM

Isang misa ang ginanap sa St. James Parish sa Guagua, Pampanga nitong Martes para ipagdasal ang mga obispong inaakusahan ng sedisyon.

Apat na obispo ang may kaugnayan umano sa gumawa ng "Ang Totoong Narcolist" videos na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Kabilang sa mga inaakusahan ay sina Archbishop Socrates Villegas, Bishop Pablo Virgilio David, Bishop Honesto Ongtioco, at Bishop Teodoro Bacani. 

Kapwa Kapampangan sina David, Bacani, at Ongtioco.

Ayon kay David, tinatanggap niya ang bunga ng kaniyang pagtupad sa kaniyang tungkulin sa simbahan.

“Ang simbahan has always been a partner of the government,
If this is the consequence of my pastoral obligation I humbly accept it," aniya.

"I am not a criminal, I am not an anti government person, I respect our democratic Constitution, kung ito ang consequence para sa panindigan para sa tama, so be it," dagdag pa niya.

Nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin para sa mga obispong nadawit sa kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.