Mga gurong nasawi sa trahedya sa Iloilo Strait, inalala

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 07:58 AM | Updated as of Aug 06 2019 06:54 PM

Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

ILOILO CITY—Naka-half mast ang bandila sa Lambunao National High School nitong siyudad bilang pagluluksa sa pagkasawi ng 3 guro at isang administrative staff matapos tumaob ang isang bangka sa Iloilo Strait noong Sabado.

"They are a great loss to us," ani Luda Ahumada, prinsipal ng paaralan.

Kinilala ang mga biktima na sina Lyn Lyn Janolino, Maria Emily Legarda, Ma. Zeny Anilao at Ivy Grace Labordo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa silid-aralan ni Janolino, napuno ng mensahe ng mga estudyante ang blackboard nito.

Nakasuot din ng itim na damit ang mga guro at staff ng paaralan bilang simpatiya sa pagkasawi ng kanilang mga kasamahan.

Hustisya naman ang panawagan ng ama ni Labordo dahil buhay pa sana ang anak kung nai-rescue umano ito agad.—Ulat ni Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.