PatrolPH

Fetus natagpuang inaanod sa pantalan sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 01:02 PM

Natagpuan nitong Lunes ang isang fetus na inaanod sa dagat sa may pantalan sa Santo Domingo, Albay.

Nakita umano ito ng tindera ng isda na nakasilid sa isang eco bag.

Ayon sa tindera, inakala niyang inanod na gamit lang ang eco bag kaya kinuha niya ito. Pero laking gulat niya nang makitang sanggol pala ang laman nito.

Pinaniniwalaang nasa anim na buwan ang naturang fetus, na pinangalanang “Maria.”

Pinaghahanap din ngayon ng pulisya ang isang lalaking nakunan ng CCTV na nagtapon ng eco bag.

Binendisyunan din ang fetus at saka inilibing ng mga awtoridad.

-- Ulat ni Mitch Villanueva, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.