Pulis patay sa pananambang sa Malabon

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2018 12:29 AM | Updated as of Aug 13 2019 03:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang pulis matapos tambangan sa Don Basilio Bautista Boulevard sa Dampalit, Malabon City Linggo.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., nakatalaga sa Manila Police District.

Nakaligtas naman sa insidente ang kasama nito sa sasakyan na si retired police SPO1 Elmer Barola.

Ayon kay Police Senior Superintendent Harry Estela, hepe ng Malabon Police, nangyari ang pananambang sa parking area ng isang sabungan.

Papaalis na sana ang dalawa nang biglang lumapit ang nag-iisang gunman na may suot na bullcap, itim na sando at backpack, at pinaputukan ang biktima.

Mabilis itong tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Sinusuri na ang mga CCTV sa lugar upang malaman ang pagkakakilanlan ng salarin.

Inaalam pa rin ang motibo sa pananambang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.