National ID system, batas na pero seguridad pinangangambahan

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2018 09:15 PM | Updated as of Aug 15 2019 02:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nilagdaan na nitong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na bubuo sa national ID system ng bansa.

Sa ilalim ng batas, maaaring isang ID na lamang ang gamitin kung makikipagtransaksiyon sa mga ahenisya ng pamahalaan.

"Makaka-access ka ng GSIS, SSS, PAG IBIG, PhilHealth [nang] isang ID lang [ang] dala mo," saad ni Ranjit Rye, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.

Bagaman posibleng mas mapabilis ang serbisyo kung tuluyang maipatutupad ito, may pangamba naman sa seguridad nito.

"Pero 'yong data na 'yan, puwedeng mag-leak out 'yan [at] kung corrupt o inefficient 'yong government, puwedeng maging source of abuse," dagdag ni Rye.

Ganito rin ang sentimyento ng isang mambabatas na nagtatanong kung maseseguro ng pamahalaan ang proteksiyon sa mga impormasyon na nakapaloob sa national ID.

"Hindi ma-assure ng gobyerno na maproteksiyunan tayo absolutely from breach of data, breach of information 'pag na-hack ang system," alinlangan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Balak ng mga tumututol na mambabatas na maghain ng panukala na gagarantiya na hindi magagamit sa pang-aabuso ang national ID system.— Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.