PatrolPH

Dating pulis, patay matapos 'manlaban' sa Valenzuela buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2018 11:46 PM

MAYNILA - Patay ang isang dating pulis matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa St. Jude Subdivision, Malinta, Valenzuela City Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si dating PO2 Exequiel Sangko, na kasama umano sa national drugs watch list.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, naglabas ng 9mm pistol si Sangko matapos makaramdam na isang PDEA agent ang kaniyang katransaksiyon.

Nagawa ng PDEA agent na ipagtanggol ang sarili at tinamaan ang suspek na dahilan sa pagkamatay nito.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin ito sa Dalandanan Emergency Hospital.

Nakumpiska sa pag-aari ni Sangko ang mga hinihinalang shabu at baril. - Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.