Mahigit 300, nagtipon-tipon sa interfaith rally vs. kriminalidad

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 08:54 PM

Nagmartsa ang ilang taga-Ozamiz kanina para ihayag ang suporta sa kampanya laban sa kriminalidad.

Idineklara ng mahigit 300 na sumama sa interfaith rally ang kanilang suporta sa operasyon ng mga awtoridad kabilang ang raid laban sa mga Parojinog noong isang linggo na ikinamatay ni Mayor Reynaldo Parojinog at 16 na iba pa.

Isa sa mga imbitado sa rally si Ozamiz City Chief of Police Jovie Espenido pero itinanggi niya na may kinalaman siya sa pagtitipon.

Samantala, inilibing na kahapon sina Daniel Vasquez at Miguel Dela Victoria, ang dalawa sa apat na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action team na kabilang sa 16 na napatay sa raid noong isang linggo.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.