6 na tindahan sa palengke sa Iloilo, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2021 11:49 AM

Photo credit: Melfe Francisco
Photo credit: Melfe Francisco

MANILA – Tinupok ng apoy ang anim na tindahan sa Estancia Public Market sa Poblacion Zone 2, Estancia, Iloilo Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Estancia Fire Station mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga tindahan.

Umabot nang isang oras ang sunog bago ito naapula ng mga bumbero.

Nasa P300,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog. Walang nailigtas na gamit ang may-ari ng tindahan.

Walang naiulat nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naging sanhi nito. --ulat ni Rolen Escaniel