Mga sasakay sa pampublikong sasakyan dapat naka-face shield simula Agosto 15

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2020 08:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Bukod sa pagsuot ng face mask, kailangan na ring naka-full face shield ang mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15, batay sa utos ng Department of Transportation. 

Sa inilabas nilang memorandum circular, sinabi nilang ipapatupad ito sa Metro Manila oras na tanggalin na ang modified enhanced community quarantine dito. 

Binigyang-diin ng ahensiya na importanteng maprotektahan ang sarili kapag sasakay sa pampublikong sasakyan sa harap ng pandemya. 

Nasa P30 hanggang P50 ang isang face shield pero ayon sa ahensiya, hindi dapat panghinayang ang pagbili nito. 

"Wala naman kasing katumbas yung halaga ng buhay ng tao. Hindi naman masasabing anti-poor yan kung po-proteksyunan mo ang buhay ng tao," ani Libiran. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.