Duterte Youth nomination ni Cardema kinansela

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 06:08 PM | Updated as of Aug 06 2019 12:26 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang nominasyon ni Ronald Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth party-list. 

Sa botong 2-0, sinabi sa desisyon na hindi kuwalipikado sa Cardema sa nominasyon, at para katawanin ang Duterte Youth sa Kamara.

Sinasabing malaking bahagi ng desisyon ay ibinase sa Republic Act 7491.

Sa ilalim ng batas, dapat ay nasa edad 25 hanggang 30 anyos ang mga nominado na kakatawan sa youth sector.

Noong araw ng halalan ay 34 anyos na si Cardema.

Nauna nang iginiit ni Cardema na kinakatawan niya ang youth professionals pero kinontra ito ng komisyon.

Nilinaw din ng komisyon na sila ang may karapatan sa kaso ni Cardema lalo at hindi pa siya napoproklama.

Kasama sa mga orihinal na nominee ng Duterte Youth ang misis ni Cardema. 

Noong Mayo 12, isang araw bago ang halalan, naghain ng notice of withdrawal ang lahat ng 5 nominee ng grupo kasabay ng paghahain ni Cardema ng substitution bilang party-list nominee.

Dating nagsilbing chairperson ng National Youth Commission si Cardema.—May ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.