PatrolPH

Army reservist hinatulang guilty sa pagpatay sa siklista

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 06:16 PM | Updated as of Aug 05 2019 07:48 PM

Hinatulan ng korte ngayong Lunes na guilty ang Army reservist na bumaril at nakapatay sa isang siklista na kaniyang nakagitgitan noong 2016. 

Watch more News on iWantTFC

Nakuhanan ng surveillance camera ang pakikipagsuntukan at pamamaril ni Vhon Tanto sa siklistang si Mark Vincent Garalde sa may Quiapo, Maynila noong Hulyo 2016.

Sinentensiyahan ni Judge Albert Tenorio ng Manila Regional Trial Court Branch 14 si Tanto ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20 hanggang 40 taon.

Hindi na nagpaunlak ng panayam sa media si Tanto matapos ibaba ng korte ang sentensiya.

Naiyak naman ang ina ni Garalde nang ibaba ng korte ang hatol.

Inutusan din si Tanto na magbayad ng P1 milyon para sa danyos. Bukod pa ito sa P100,000 multa para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 para sa exemplary damages.-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.