PatrolPH

Drug suspect patay matapos 'manlaban' sa Malate, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 11:19 AM

MANILA - Napatay ng mga pulis ang isa umanong drug pusher matapos itong manlaban sa isang buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Dead on arrival sa Ospital ng Maynila ang suspek na si Bernie Javier, 25 anyos.

Ayon sa pulisya, target ng operasyon si Javier. Nakabili ang poser-buyer nila ng shabu na nagkakahalaga ng P500 piso mula sa suspek pero nang aarestuhin na ito ay nanlaban ito at pinaputukan ang mga operatiba

Dito na umano napilitang gumanti ang mga pulis.

Nakuha mula kay Javier ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu, isa kalibre 38 na baril, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.