Pangakong tulong pinansiyal para sa ilang taga-Pandi, inireklamong di pa natutupad

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2017 05:28 PM | Updated as of Aug 05 2017 10:41 PM

Hiling ng mga residente ng Padre Pio de Pandi Resettlement Project sa Barangay Cacarong Bata, Pandi, Bulacan na makuha na ang ipinangako sa kanilang tulong pinansiyal.

Pinalikas ang mga residente mula sa dating tirahan na idineklarang 'danger zone' isang taon na ang nakalilipas kasabay ng pangakong P18,000 na financial assistance.

Mahirap anila ang buhay sa resettlement area kaya malaki sana ang maitutulong nito sa kanila.

Idinulog naman ng ‘Tapat Na Po’ ang kanilang reklamo sa Department of Interior and Local Government (DILG). 

Makukuha pa ba ng mga dumadaing na residente ang ipinangakong tulong sa kanila? Abangan ang buong ulat mamaya sa Tapat Na Po sa TV Patrol Weekend pagkatapos ng 'Bet On Your Baby'.

- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.