FDA nagbabala laban sa 2 di rehistradong liniment

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2017 01:31 PM

MANILA- Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng dalawang hindi rehistradong brand ng herbal pain relieving liniment o pamahid sa katawan.

Nagbabala ang FDA sa pagbili ng Ariben Oil Premium Liniment at V-Moringa Superior Pain Relieving Herb Cream dahil hindi dumaan ang mga produkto sa pagsusuri ng ahensya.

Ariben Oil Premium. Screengrab from FDA Advisory
V-Moringa Superior Pain Relieving Herb Cream. Screengrab from FDA Advisory

Napag-alaman ng FDA na hindi rehistrado ang 2 produkto sa isinagawang post-marketing surveillance.

Parehong gawang Pinoy and 2 produkto mula sa Davao City at ibinebenta umano sa iba't-ibang lalawigan sa bansa.

Ang pagbebenta ng mga produktong walang certificate of registration ay labag sa Food and Drug Administration Act of 2009 dahil hindi tiyak kung ligtas bang gamitin ang mga ito. --ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.