PatrolPH

9 sugatan sa pagkahulog ng sasakyan sa bangin sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2022 07:31 AM

Kuha ng PDRRMO Kalinga
Kuha ng PDRRMO Kalinga

BAGUIO – Siyam ang sugatan sa pagkahulog ng isang pribadong sasakyan sa lungsod ng Tabuk, Kalinga, Miyerkoles ng hapon. 

Base sa imbestigasyon, galing sa isang pagtitipon ang mga sakay at pauwi na sana nang may nahulog na malaking bato mula sa bundok tabi ng kalsada sa Ileb, Nambaran.

Iniwasan umano ng driver ang bato kaya nahulog sa bangin. 

Karamihan sa mga sakay ay opisyal ng Brgy. San Francisco, bayan ng Rizal, Kalinga. 

Kasalukuyan silang ginagamot sa ospital.—Ulat ni Mae Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.