PatrolPH

Danyos mula sa vog ng Taal, umabot sa P1.2 milyon

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2022 09:52 PM | Updated as of Aug 05 2022 06:32 AM

Ang Bulkang Taal. ABS-CBN News/File
Ang Bulkang Taal. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MANILA — Umabot na sa P1.2 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay Batangas Provincial Agriculture Office head Rodrigo Bautista, ang nasabing halaga ay mula pa lamang sa mga bayan ng Laurel at Lian.

Wala pang report ang mga bayan ng Agoncillo at Talisay, bagama’t ayon sa mga magsasaka, natutuyo na rin ang mga dahon ng kanilang mga tanim.

Ang vog ay dulot ng ibinubugang sulfur dioxide o asupre ng Bulkan Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 12,125 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide ng Bulkan Taal nitong Miyerkoles.

Watch more News on iWantTFC

Ito ang pinakamaraming naibuga ng bulkan simula nang isinailalim ito sa Alert Level 1 noong Hunyo 11.

Apektado rin ng mabahong asupre ang ilang lugar sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel, gayundin ang ilang lugar sa Tagaytay City.

Unang inulat ng Phivolcs nitong Miyerkoles na dumami ang ibinugang kemikal at gas ng Bulkang Taal.

Nasa Alert Level 1 pa rin ito, na nangangahulugang mayroon pa ring "abnormal activity" sa naturang bulkan.

— Ulat ni Dennis Datu

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.