Davao City Public Information and Inquiry Page
DAVAO CITY — Nasa 120 bahay ang nasunog sa Barangay Matina Aplaya sa lungsod ng Davao nitong Miyerkoles ng gabi.
Sumiklab ang sunog bandang alas-10 ng gabi at mabilis itong kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Sa bilis ng pagkalat ng apoy, umabot sa ikatlong alarma ang sunog at inabot ang mga bombero nang mahigit 3 oras para maapula ang apoy.
Nagdeklara ng fire out bago mag-alas-2 ng madaling araw ngayong Huwebes.
Pansamantalang tumutuloy ngayon sa Shanghai Gym Evacuation ang mga nasunugan.
Agad naman silang inasikaso at binigyan ng ayuda ng mga opisyal ng kanilang barangay at ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Tinatayang nasa P2.4 milyon ang danyos ng sunog.
Ayon sa hepe ng Ecoland Police Station ng Davao City na si Maj. Rosario Aguilar, wala namang naiulat na namatay o nawawala matapos ang trahedya.
Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi ng sunog at saang bahay ito nag-umpisa.
— Ulat ni Cheche Diabordo
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.