MAYNILA — Timbog ng Philippine National Police (PNP) ang 6 miyembro ng umano'y sindikatong gumagamit sa pangalan ni Davao City Mayor City Sara Duterte-Carpio para makapanloko.
Ani PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Vicente Danao, modus ng grupo na i-research ang mga pangalan at contact ng contractors at government officials.
Saka sila magpapanggap na tauhan ni Duterte-Carpio at manghihingi umano ng donasyon para sa community pantries.
Umabot umano sa milyon-milyon ang nakulimbat ng grupo.
Mismong opisina ni Duterte-Carpio ang nakadiskubre sa modus at nag-report nito sa pulisya.
EMBED: https://twitter.com/raffsantos/status/1422797050266087424
Na-trace ng NCRPO ang mga scammers sa pamamagitan ng bank account nila at nakumbinse ang ilan dito na sumuko.
Natuklasan pa ng pulisya ang pangalan ng aabot sa 200 government officials at contractors na balak biktimahin ng sindikato.
Nahaharap ang 6 na naaresto sa kasong syndicated estafa.
Walo pang miyembro ng grupo, kabilang ang lider umano nilang isang Patrick Fernandez, ang tinutugis ng pulisya.
- report from Raffy Santos, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.