PatrolPH

P1.7-milyong halaga ng shabu nasabat sa Taguig, 2 arestado

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 09:54 AM | Updated as of Aug 04 2021 09:57 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaki matapos mahulihan ng P1.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa Lower Bicutan, Taguig City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga umano’y drug personalities na sina alyas Reymark, 28, at alyas Jerry, ayon sa pulisya. 

Nakuha sa kanila ang 5 sachet na aabot sa 250 gramo ng hinihinalang shabu.

Haharap ang mga suspek sa mga kasong drug selling at possession.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung saan kinukuha ng mga suspek ang ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.