PatrolPH

Bagong one-way traffic scheme ipatutupad sa Manggahan Bridge sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 10:59 AM | Updated as of Aug 04 2021 11:17 AM

Mula sa Pasig City Public Information Office Facebook Page
Mula sa Pasig City Public Information Office Facebook Page

MAYNILA - Simula sa susunod na linggo, magpapatupad ng experimental traffic scheme sa Manggahan Bridge sa Pasig City, isa sa mga pinakaabalang tulay sa lungsod lalo na tuwing rush hour.

Sa impormasyon na inilabas ng Pasig City Information Office, magpapatupad na sila ng one-way scheme sa tulay. Tanging mga motorista na galing East Bank Road, Marcos Highway at Rizal na papunta sa direksyon ng Ortigas ang puwedeng dumaan sa tulay.

Ang mga motorista na galing ng Ortigas at patawid naman sa Marcos Highway o Rizal ay kailangan dumaan ng Ortigas Avenue at mag-U-turn sa East Bank Road.

May ilang jeepney driver ang umaalma sa ipapatupad na traffic scheme lalo na't magkokonsumo sila ng mas maraming krudo dahil kailangan nilang umikot ng ruta. May ibang commuters naman ang wala namang isyu sa ipapatupad na traffic scheme.

Dapat ay noong Lunes pa ipapatupad ang traffic scheme na ito pero paliwanag ng Pasig Traffic, maglalaan muna sila ng ilang araw pa para maipakalat ang impormasyon at mapaghandaan ng mga motorista. 

Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.