PatrolPH

Nasa P4 milyong halaga ng marijuana binunot sa Davao Or.

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 09:07 PM

 Davao Oriental Police Provincial Office
Kuha ng Davao Oriental Police Provincial Office


Natunton ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Davao Region ang dalawang lugar sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental na pinagtaniman umano ng marijuana.

Libo-libong marijuana plant ang binunot ng mga operatiba sa Sitio Pagbaluyan sa Brgy. Tubaon nitong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga suspek na sina Jorel Malintad at Alejandro Magandam ang mga nagtanim ng marijuana doon.

Nakatanggap din sila ng impormasyon na mayroong marijuana plantation din sa kalapit na lugar na sapo rin ng Barangay Tubaon, kung saan nabunot nila ang libo-libong marijuana plants nitong Martes.

Kinilala ng mga awtoridad ang nagtanim nito na si Noel Malintad.

Sa pagtaya ng PNP at PDEA, nagkakahalaga ng P4 million ang mga nakuhang tanim na marijuana sa parehong lugar.

Nakatakas umano ang tatlong suspek at tinutugis na sila ng mga awtoridad.

Sinampahan sila ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.