PatrolPH

Mangingisda patay matapos masabugan ng dinamita

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 12:02 AM

Patay ang isang 23-anyos na mangingisda matapos masabugan ng dinamita sa karagatang sakop ng Barangay Ubo, sa bayan ng Balud sa Masbate Martes ng umaga.

Kinilala ang nasawing mangingisda na si Aguido Gabriel na residente rin ng barangay.

Nakaligtas pero sugatan ang isa pang kasamahang mangingisda nito.

Sa report ng Bicol Police, nangingisda ang mga biktima ng mga oras na iyon gamit ang kanilang motorized banca nang biglang sumabog ang nakalagay na dinamita sa bote bago pa man tuluyang maitapon sa dagat. 

Dahil sa insidente, muling nagpaalala ang awtoridad na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang paggamit ng dinamita. 

- ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.