TFC News

Thailand government, naglaan ng libreng COVID-19 vaccine para sa foreign residents kabilang na ang mga Pinoy

TFC News Thailand

Posted at Aug 04 2021 11:13 AM

THAILAND -- Puwede ng magparehistro online ang mga expatriate sa Thailand kabilang na ang mga Pilipino para sa libreng COVID-19 vaccine mula sa Thailand government. Bisitahin ang link na ito para sa mga interesadong magparehistro. Kasama sa kailangang i-upload sa online registration ang passport, email at mobile number.

Sa anunsiyo ng MedPark Government Hospital sa Thailand, ang mga sumusunod na expatriate ang puwedeng mag-avail ng government allocated free vaccine: 

  1. hindi pa nakakapagpabakuna ng anumang COVID-19 vaccine 
  2. senior citizens na mahigit 60 taong gulang
  3. may underlying disease/s 
  4. mahigit 12 linggong buntis
MedPark Hospital in Thailand
Mga expat na puwedeng mag-avail ng government allocated free vaccine mula sa MedPark Government Hospital sa Thailand

Samantala, nag-anunsiyo naman ang Thailand Ministry of Foreign Affairs na puwede na ring magparehistro online para sa libreng unang dose ng COVID-19 vaccine ang mga dayuhang residente. Prayoridad din muna nila ang parehong klasipikasyong inilabas ng Medpark Hospital para sa mga expat. 

Ang mga sumusunod na foreign residents at migrant workers ang puwedeng magparehistro sa website ng Thailand Ministry of Foreign Affairs: 

Foreign Residents
With non-immigrant visas, permanent resident card, Thailand elite card, work permit and dependent Diplomats/ International Organisations 

Foreign Residents
under the Ministry of Labour's MoUs 

Migrant Workers
with social security Number 

expat vac sa Thailand
Foreign residents at migrant workers na puwedeng magparehistro sa Expatvac registration site

Sa mga Pilipino sa Thailand na interesadong magpa-rehistro, bisitahin ang Expatvac registration site mula sa Thailand Ministry of Foreign Affairs.