PatrolPH

Construction worker patay matapos makuryente sa Eastern Samar

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 12:12 PM

Patay ang isang construction worker matapos na makuryente habang nagtatayo ng isang istraktura sa Barangay Canciledes sa bayan ng Hernani, Eastern Samar, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Manuel Barcial, 30 anyos, residente ng Barangay Garawon, sa nasabing bayan.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, may hawak na kahoy ang biktima nang mahagip nito ang linya ng kuyente na hinihinalang live wire.

Nahulog ang biktima mula sa kinatatayuan nitong may taas na 10 talampakan.

Dinala pa sa Regional Health Unit-Hernani ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival. 

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.