MAYNILA - Nasabat ang P15-milyong halaga ng high-end bags at sapatos na idineklarang canned goods sa Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa mga awtoridad nitong Martes.
Ito'y matapos i-anunsyo ng Bureau of Customs nitong Lunes ang pagkasabat sa isang luxury car na nagkakahalaga ng P33 milyon.
Ayon sa BOC-NAIA, pawang mga mamahaling brands ng bags ang nadiskubre nito nang suriin ang shipment mula Milano, Italy na idineklarang naglalaman ng shampoo, sabon, towel at canned goods.
Ayon sa ahensiya, malinaw na paglabag ito sa Customs Modernization and Tariff Act at inihahanda na ang kaso laban sa mga nasa likod ng naturang shipment.
Hindi tinukoy ng BOC kung sino ang consignee ng naturang mga misdeclared na produkto.
BOC Port of NAIA intercepts Php 15M worth of various misdeclared goods

Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Teleradyo, tagalog news, NAIA, BOC-NAIA, Port of NAIA, Italy, luxury bags, Bureau of Customs, slideshow, site only