Lalaki, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2020 12:58 PM

Patay ang isang 67-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bais City, Negros Oriental, Linggo ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Bais City Police, galing sa vulcanizing shop ang biktima at pumunta sa tindahan ng karne.

Dalawang motorsiklo na may angkas na tig-dalawang rider na pawang naka mask at bonnet ang dumaan rin sa lugar.

Bigla na lang binaril ng isa sa mga backrider ang biktika. Nang matumba na ito ay pinagbabaril pa ulit ng isa pang backrider ang biktima.

Nakura sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang 13 basyo ng kalibre .45 na baril.
 
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.