Higit 100 nanay, sabay-sabay nagpasuso sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 12:57 PM

Higit 100 ina ang sabay-sabay nagpasuso sa kanilang mga anak noong Sabado sa San Fernando, Pampanga bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week.

Ito na ang ika-10 taon ng event sa lungsod na tinaguriang "The Big Latch On."

"We are trying to bring together breastfeeding moms as part of a global simultaneous big latch-on event," ani Ching Pangilinana, tourism officer ng San Fernando City.

Isa sa mga lumahok ang ina na si Coy Torres.

Ayon sa kaniya, lumaki sa pagpapasuso ang lahat ng 3 niyang anak.

"Ginhawa naman after ng sacrifice ng breastfeeding," ani Torres.

Laking-breast milk din ang mga anak ni Laarni Salas.

"Nakita ko 'yong mga side effect ng formula feeding," aniya.

Hindi naman itinanggi ng city health physician na si Dr. Renely Tungol ang mga benepisyong makukuha mula sa gatas ng ina.

"Ito ang nakapagbibigay ng napakadaming sustansiya, tamang amount ng tubig at mga panlaban sa sakit," ani Tungol.

Ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto ang World Breastfeeding Week na layong isulong ang pagpapasuso sa mga sanggol na nasa kanilang unang 6 buwan. -- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.