PatrolPH

Halos 7 tonelada ng taklobo nasamsam sa bahay sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 08:25 PM

Halos 7 tonelada ng taklobo nasamsam sa bahay sa Negros Occidental 1
Halos 7 tonelada ng fossilized giant clam o taklobo ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang bahay sa Negros Occidental noong Biyernes. Retrato mula kay Marty Go, ABS-CBN News

Halos 7 tonelada ng natuyong shells ng taklobo o giant clam ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang bahay sa Negros Occidental noong Biyernes.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Jasper Bacaron, kusa siyang lumapit sa Philippine National Police nang malamang ilegal ang pagtatago ng mga taklobo.

Itinambak lang umano sa bahay niya ang giant clams ng mga kapitbahay niyang nais magpabenta.

Noong Biyernes ng hapon ay pinuntahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang bahay ni Bacaron at kinumpiska ang mga taklobo.

Ilegal ang pagkuha sa dagat at pagbenta ng mga taklobo sa ilalim ng Philippine Fisheries Code.

—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.