PatrolPH

Ex-barangay chair sa Davao City pinagbabaril sa labas ng sabungan

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 12:53 AM

DAVAO CITY—Patay nitong Sabado ang isang dating chairman ng Barangay Communal sa Buhangin matapos siyang pagbabarilin ng 2 lalaki sa labas ng sabungan.

Kinilala ang biktima na si Arnold Maalat, na inabangan umano ng 2 salarin paglabas nito sa sabungan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod ang biktima.

Napag-alamang nakulong na si Maalat noong 2017 sa kasong may kinalaman sa droga. 

Ngayong taon lang siya nakalaya sa Davao city jail matapos ang plea bargain agreement.

Inaalam pa ng Buhangin police kung may kaugnayan sa droga o away sa sabong ang pagpatay.

—Ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.