School canteen nilamon ng sunog

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2018 10:02 AM

School canteen nilamon ng sunog 1
Pontevedra Bureau of Fire Protection

PONTEVEDRA, Negros Occidental – Sumiklab ang apoy sa canteen ng isang paaralan sa gitna ng malakas na ulan Biyernes ng umaga sa nasabing bayan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Pontevedra, nasunog ang canteen ng St. Michael's Academy of Pontevedra.

Nilamon din ng apoy ang stock room at dirty kitchen ng katabing karinderya.

Tinitingnan na ngayon ng awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Dagdag ng Bureau of Fire Protection, napakalaki ng apoy at kinailangan nilang humingi ng reinforcement mula sa ibang units.
 
Tinatayang aabot sa P350,000 ang halaga ng ari-ariang naabo sa sunog.