Lineman nakuryente sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2018 10:28 AM

Nagkukumpuni ng poste ang biktima nang biglang makuryente sa isa sa mga wire nito. Nagpapagaling na sa ospital ang biktima. Contributed photo

ZAMBOANGA CITY - Nakuryente ang isang lineman habang nagkukumpuni ng linya ng kuryente sa Veterans Avenue sa lungsod na ito, Biyernes ng umaga.

Agad dinala sa ospital ang biktimang si Jonel Monte-falcon, 37.
 
Kasalukuyang nagpapagaling na sa ospital ang biktima.

Ayon sa kaniyang mga kasamahan, naka-off na ang kuryente sa linya kung saan sila magtatrabaho.

Huwebes ng gabi nang masunog ang poste ng kuryente kaya kinailangan nilang ayusin ito.

Pero agad na lang umano nagkaroon ng kuryente ang isa sa mga wire kaya nakuryente ang kanilang kasamahan.

Pinangako ng Zamboanga City Electric Cooperative na tutulungan ang kanilang lineman sa lahat ng gastusin nito sa ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.