2 lalaki patay sa Laguna buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2018 09:46 AM | Updated as of Aug 13 2019 12:31 PM

Watch more in iWantTFC

Patay ang 2 drug suspect sa isang buy-bust operation sa Barangay Langkiwa, Biñan City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Darille Tabula at Johnrick Antoniano.

Narekober sa kanila ang 2 kalibre .38 na baril at 6 na pakete ng hinihinalang shabu na may street value na P100,000.

Ayon sa Laguna Provincial Police Office, nagpaputok umano ang mga suspek nang makahalata na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Miyembro umano ang 2 lalaki ng isang crime group na sangkot sa gun-for-hire, robbery-holdup, at pagtutulak. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.