Tren ng MRT 3, nagka aberya

Zhander Cayabyab, radio DZMM

Posted at Aug 04 2016 08:42 AM

Mag-aalas sais kanina nang nagkaroon ng problemang teknikal ang isang tren ng MRT-3 sa southbound lane kaya pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue station para palipatin sa ibang tren.

Normal na ang operasyon ng MRT sa ngayon.

Dahil sa aberya, napakahaba na ng pila ng mga pasahero, mula sa Quezon Avenue station ay umabot na ito sa EDSA at lumiko sa Mother Ignacia Avenue.

Ganito rin ang sitwasyon sa North Avenue station.

Puno na ng pasahero ang platform maging ang bridge na dapat sana ay tawiran lang mula northbound pa southbound

Ang pila ng tao ay nasa EDSA na sa baba ng MRT station.

Ayon sa official Twitter acct ng mrt3, 15 tren na ang inisyal na bumibyahe ngayon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.