BARCELONA - Inilunsad kamakailan ang nobelang “Las Fragrancias Olvidadas de Ultramar” sa Philippine Consualte General Barcelona ng Catalán author na si Josep Torrents Comas.
PCG Barcelona photo
Ang nobela ay tungkol sa paghahanap ng mga mananaliksik ng bagong aroma mula sa mga bulaklak sa Pilipinas noong sakop pa ng Espanya ang bansa.
PCG Barcelona photo
Tinalakay din sa nobela ang pagbagsak ng imperyo ng Espanya at ang pagtatapos ng kanilang pananakop sa Pilipinas.
Si Josep Torrents Comas, ang may-akda ng Las Fragrancias Olvidadas de Ultramar | PCG Barcelona photo
Sa book launch, ikinuwento ni Torrents ang kanyang naging karanasan habang sinusulat ang nobela, gaya ng kanyang mga alaala tungkol sa Pilipinas, at kung paano rin umusbong ang kaniyang interés at paghanga kay Dr. Jose Rizal.
PCG Barcelona photo
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.