PatrolPH

MMDA: Bahagi ng Tomas Claudio Street sa Maynila sarado simula sa Biyernes

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2022 03:32 PM

MAYNILA — Sarado muna sa mga motorista ang bahagi ng Tomas Claudio Street sa lungsod ng Maynila simula alas-10 ng gabi ng Biyernes, Agosto 5, hanggang Nobyembre 30, 2022, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang 4-buwang pagsasara ay dahil sa construction activities sa Skyway Stage 3. 

Inabisuhan ng MMDA ngayong Miyerkoles ang mga apektadong motorista na planuhin na ang ruta. 

Narito ang mga alternatibong ruta na puwedeng daanan, ayon sa MMDA.

• Para sa mga sasakyan mula sa Valenzuela Street, Sta. Mesa na papuntang Quirino Avenue o sa Beata St. Pandacan:
— Dumaan sa Ramon Magsaysay Ave., kumaliwa sa Lacson Ave. (Nagtahan) at dumiretso sa Quirino Avenue o kaya'y kumaliwa sa Jesus Street papunta sa destinasyon.

• Para sa mga sasakyang mula sa Osmeña Highway papunta sa Valenzuela St., Sta. Mesa:
— Dumaan sa Quirino Ave. papuntang Mabini Bridge at sa tulay kumanan sa Ramon Magsaysay Ave, kumanan ulit sa Valenzuela St. papunta sa destinasyon.

• Para sa mga sasakyang mula Osmeña Highway papuntang Beata St., Pandacan:
—Dumaan sa Quirino Avenue at kumanan sa Tomas Claudio Street papunta sa destinasyon.

• Para sa mga sasakyang mula sa Beata St., Pandacan papuntang Quirino Ave.:
 —Light vehicles: Dumaan sa Tomas Claudio St. papuntang Quirino Avenue hanggang sa makarating sa destinasyon.
—Long and heavy trucks/trailers: Dumaan sa Jesus St. papuntang Quirino Ave. hanggang sa makarating sa destinasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.