PatrolPH

Truck, bumitin sa bangin sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 05:26 PM

Truck, bumitin sa bangin sa Bataan 1
Sumadsad sa gilid ng kalsada ang truck kaya muntikan na itong magtuloy-tuloy na mahulog sa Jadjad Bridge sa SCTEX sakop ng Dinalupihan sa Bataan nitong ika-2 ng Agosto, 2021. Larawan mula kay Mylene Andrada

Muntikan nang mahulog sa bangin sa Jadjad Bridge sa kahabaan ng SCTEX patungong Subic Bay Metropolitan Authority ang isang container truck matapos sumadsad sa gilid ng kalsada sa Dinalupihan, Bataan nitong Lunes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, posibleng nawalan ng kontrol ang driver dahil sa madulas na daan dala ng maulang panahon. 

Dahil dito, naging bumper to bumper ang mga sasakyan na halos hindi umuusad. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring aksidente.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.