PatrolPH

Traffic enforcer sa Bulacan, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 09:32 PM

Dead on the spot ang isang traffic enforcer sa Sta. Maria, Bulacan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem criminals.

Ayon sa Sta. Maria Police, nakaupo at nagpapahinga ang biktimang si Mario Domingo sa harapan ng isang laundry shop pasado alas-3 ng hapon noong Huwebes nang huminto sa tapat niya ang nakamotorsiklong mga salarin.

Tinutukan ito ng baril at pinaputukan bago mabilis na humarurot ang mga suspek papalayo sa crime scene.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, 3 bala ng kalibre 45 baril ang tumama sa katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa Sta. Maria Police, sinampahan nila ng kasong homicide si Domingo matapos atakihin sa puso at mamatay ang isang vendor na pinosasan nito noong Hulyo 4.

Nakalabas noong Hulyo 13 mula sa kulungan ang enforcer, at kaagad nang bumalik sa duty sa Barangay Caypombo.

Ayon sa mga kaanak ng enforcer, madalas ikuwento ng biktima na may natatanggap umano itong pagbabanta sa kanyang buhay.

Kasalukuyan pang inaalam ang motibo sa pagpatay kay Domingo.

- ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.