PatrolPH

P374-K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Bataan; 5 arestado

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 09:47 PM

Lima ang arestado nang salakayin ng awtoridad ang isang drug den sa Barangay J.C. Payumo sa bayan ng Dinalupihan sa Bataan nitong Martes.

Nakuha ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 55 gramo at hindi bababa sa P374,000 ang halaga.

Timbog ang 3 babae at 2 lalaki na nasa 21 hanggang 41 ang mga edad.

Inihahanda na laban sa mga suspek ang pagsasampa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.