PatrolPH

Mahigit P863-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 05:29 AM

Mahigit P863 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakasilid sa green tea bags ang nasabat sa isang operasyon sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City nitong Linggo.

Umabot sa 127 kilo ng ilegal na droga ang nasabat sa 3 suspek na pawang mga Chinese national. 

Ayon sa mga awtoridad, kilalang distributor ng illegal na droga sa National Capital Region, Region 3 at iba pang karatig rehiyon ang 3 suspek. — Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.