PatrolPH

Lalaki patay nang masagasaan ng bus sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 02:27 PM

Lalaki patay nang masagasaan ng bus sa QC 1
Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng bus sa southbound lane ng EDSA carousel sa Quezon City, Agosto 3, 2021.

Patay ang isa umanong lalaking palaboy matapos masagasaan ng bus sa southbound lane ng EDSA carousel sa Quezon City nitong umaga ng Martes.

Ayon sa traffic enforcer na si Gaylord Libres, bandang alas-8 ng umaga nang biglang tumawid mula sa center island sa may Veterans Village si Jonathan Enriquez, 36.

Tumawid umano ang biktima dahil nakita ang papalapit na mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority, na noo'y nagsasagawa ng operasyon.

Ayon kasi sa asawa ng biktima, 1 taon na silang nakatira sa center island.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang tumangging magbigay ng pahayag ang driver ng bus.

Bandang alas-10 ng umaga nang maitabi ang bus at nagbalik na sa normal ang daloy ng bus sa EDSA carousel southbound lane.

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.