Nasa 54 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala ng Negros Occidental nitong Lunes.
Ayon sa COVID-19 bulletin ng Department of Health Region-Western Visayas, 35 sa mga bagong kaso ay mga bumalik na overseas Filipinos at ang 18 ay mga nastranded na Negrense mula sa high-risk areas.
May isa namang residente ng Bago City, Negros Occidental na nag-positibo pero hindi ito returning OFW at hindi rin stranded individual.
Sa Bacolod City, may 18 na nadagdag na bagong kasong COVID-19.
Halos lahat ay mga na-stranded at ngayon ay nakauwi na sa lungsod.
Lahat ng mga bagong kaso ay nasa quarantine facility na, base sa bulletin ng DOH-6.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Negros Occidental, Negros Occidental cases, Negros Occidental updates, Negros Occidental COVID-19, Negros Occidental coronavirus, Bacolod, Bacolod updates, Bacolod cases, Bacolod COVID-19, Bacolod coronavirus, Regional news, Tagalog news