PANOORIN: Tulay sa Bataan tinangay ng rumaragasang tubig

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2019 02:15 PM | Updated as of Aug 03 2019 07:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinangay ng rumaragasang tubig-ilog ang isang tulay sa Barangay Sibacan, Balanga City, Bataan, pasado alas-7 ng umaga nitong Sabado. 

Sa video ni Bayan Patroller Lovericka Gando, makikita ang unti-unting pagkayupi ng tulay habang itinutulak ng agos ng tubig na may kasamang naipong mga water lily at basura.

Pinalakas pa ang puwersa nito ng rumaragasang tubig mula sa mga matataas na barangay ng Balanga.

Ayon kay Robert Carreon ng Balanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, noong 2018 lamang ginawa ang tulay. 

Pansamantala dapat nitong pagdurugtungin ang dalawang parte ng Barangay Sibacan matapos bumigay ang dati nang tulay na nakalagay sa lugar.

Ihinahanda na rin anila ang tulong para sa 500 pamilya na direktang maaapektuhan ng pagkawala ng tulay. 

Nakapagbigay na rin sila ng alternatibong ruta para sa mga residenteng naapektuhan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.