PatrolPH

Higit 50 bahay nasira ng malakas na alon sa Davao City

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2019 03:53 PM

Higit 50 bahay nasira ng malakas na alon sa Davao City 1
Isinasalba ng mga residente ang mga bagay na maaari pa nilang magamit mula sa kanilang mga nasirang bahay. Vina Araneta, ABS-CBN News


DAVAO CITY - Aabot sa 50 bahay ang nasira sa tatlong coastal barangays sa lungsod matapos hampasin ng malalakas na alon, Sabado ng umaga.

Sa Barangay 21-C, nasa 16 na bahay ang nasira habang tatlo ang damaged.

Kasama sa nasira ang mismong bahay ng kapitan ng barangay.

Sa Purok 7, Barangay 23-C naman, walo ang wasak at 30 ang damaged na mga bahay.

Ayon sa mga residente, huli nilang naranasan ang ganoon kalakas na alon noon pang taong 1998.

May ilan ding nasugatan matapos mahulog sa bumigay na tulay habang lumilikas.

Inaalam pa ng City Social and Services Development Office ang kabuuang bilang ng mga apektadong residente at mga bahay na nasira.

Ang malakas na alon ay bunsod ng nararanasang trough ng low pressure area na nakaaapekto sa Davao region.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.