Ina nagbenta ng video ng 2 hubad na anak

Randy Jainar, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2016 11:05 AM

Dinakip ang isang ginang sa Cordova, Cebu dahil sa pagbebenta ng video ng kanyang dalawang nakahubad na anak.

Sa halagang $70 o mahigit P3,000 mula sa isang foreigner, kinuhanan ng video ng babae ang kanyang 5 taon at 2 taong gulang na mga anak habang naliligo.

Hindi alam ng suspek na asset ng pulis ang dayuhan kaya nakalaboso siya matapos salakayin ng pulisya ang kanyang bahay.

Lumabas sa imbestigasyon na 70 beses nang ginawa ng babae ang ganitong transaksyon.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Anti-Trafficking Act.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawa niyang anak.