Electrical room ng SM Cubao, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2016 06:42 PM | Updated as of Aug 03 2016 08:58 PM

(UPDATED) Nabalot ng makapal na usok ang SM Department Store sa Cubao, Quezon City Miyerkules.

Sa bidyong ipinadala ni Bayan Patroller JP Dela Cruz, makikitang may makapal na usok na nanggagaling sa bahagi ng SM Cubao.

Ayon sa inisyal na report, nagsimulang umusok ang electrical room ng SM Cubao bandang 5:25 ng hapon. Itinaas na sa ikalawang alarma ang sunog.

Dumating na ang mga bumbero sa lugar. Pinalikas na rin ang mga namamasyal sa lugar.

Ayon sa pamunuan ng SM Cubao, nagsimula ang sunog sa electrical management area ng mall bandang 5:30 ng hapon.

Nailikas rin kaagad ang mga namamasyal at mga empleyado ng mall.

Dagdag pa ng SM, kasalukuyang sarado ang mall habang nagsasagawa pa ng inspeksyon ang mga awtoridad.

Wala ring nasaktan sa insidente.

"No one was hurt but the store is currently closed till all safety checks are done and power is restored."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.